Aralin 1: Wika, Komunikasyon, at Wikang Pambansa
Wika
Sa unang aralin, natutunan ko ang depinisyon ng wika, na ito ang nagbubuklod sa ating mga tao.
Ang daluyan ng pagpapakahulugan ay: tunog, simbolo, kodipikadong pagsusulat, galaw, at kilos. Ang ilang mga gamit ng wika naman ay: gamit sa talastasan, lumilinang ng pagkatuto, lalagyan o imbakan, at iba pa.
Kategorya ng Wika
- Ang Pormal kung saan higit itong ginagamit ng nakararami. Ang dalawang antas nito ay opisyal na wikang pambansa at panturo at wikang pampanitikan.
- Ang ikalawang uri nito ay ang Di-pormal na ginagamit sa pang-araw-araw na talastasan. May tatlo itong antas.
- Una, ang wikang panlalawigan na kinilala rin bilang diyalektal. Ang wikang ito ay ginagamit sa iba't ibang lugar. Isang halimbawa nito ay balay (bahay).
- Ikalawa, ang balbal na katumbas sa slang sa Ingles. Halimbawa nito ay ang salitang sikyu, na ang kahulugan ay guwardiya.
- Ang huli, ay ang kolokyal. Ito ang mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Halimbawa, musta.
Komunikasyon
Isang mahalagang paksa na natutunan ko rin ay ang depinisyon ng komunikasyon. Ang komunikasyon ay ang paraan ng paghahatid at pagtanggap ng impormasyon. Mayroon itong tatlong antas.
- Intrapersonal, nangangahulugang komunikasyon na nakatuon sa sarili. Isang magandang halimbawa nito ay ang pagdadasal at meditasyon.
- Interpersonal, na kung saan ang komunikasyon ay namamagitan sa dalawa o higit pang tao.
- Organisasyonal, na nagaganap sa loob ng isang organisasyon.
Modelo ng Komunikasyon
Ang pangkaraniwang modelo ng komunikasyon ay nagsisimula sa tagapagpadala. Ang mensahe ay dumadaan sa isang tsanel at tinatanggap ng tagatanggap, na siyang nagbibigay puna, tugon, o reaksiyon. Minsan, ang mensahe ay hindi matatanggap ng tagatanggap dahil sa tinatawag nating ingay na siyang nagsisilbing hadlang sa daloy ng komunikasyon.Uri ng Komunikasyon
Ang tatlong uri ng komunikasyon ay:
1. Komunikasyong pabigkas na kung saan binibigkas lamang ng pasalita ang nais ipahayag ng tagapagpadala.
Aralin 2: Unang Wika, Bilingguwalismo, at Multilingguwalismo sa Kontekstong Pilipino
Ang mga wika at yugto ng wika:
- Wikang Ingles - wikang dinala ng mga mananakop na Amerikano.
- Unang Yugto ng Wikang Tagalog (Tagalog-1) - pinangangalanang wikang pambansa.
- Ikalawang Yugto ng Wikang Tagalog (Tagalog-2) - ginawang isang pang-akademikong asignatura.
- Unang Yugto ng Wikang Pilipino (Pilipino-1) - ang pangalang "Tagalog" ay pinalitan ng pangalang "Pilipino".
- Ikalawang Yugto ng Wikang Pilipino (Pilipino-2) - tinanggalan ng katayuan bilang wikang pambansa.
- Ang Unang Wikang Filipino (Filipino-1) - papalit sa wikang Pilipino bilang wikang pambansa.
- Ang Ikalawang Wikang Filipino (Filipino-2) - pinangalang "Filipino" ng konstitusyon.
Mga programang pangwika:
- Monolingguwalismong Ingles (Monolingguwalismo) - ang sistema ng monolingguwalismong Ingles ang kanilang ipinataw.
- Unang Bilingguwalismo (Bilingguwalismo-a) - maaring gamitin ang mga unang wika bilang auxiliary na wikang panturo.
- Ikalawang Bilingguwalismo (Bilingguwalismo-b) - wikang Pilipino na lamang ang gagamiting midyum sa pagtuturo sa lahat ng antas pang-akademiko.
- Unang Multilingguwalismo (Multilingguwalismo-a) - gamitin ang mga unang wika bilang midyum ng pagtuturo hanggang sa ikalawang baitang na susundan naman sa paggamit ng mga wikang Pilipino at Ingles
- Ikatlong Bilingguwalismo (Bilingguwalismo-c) - gamitin ang mga wikang Ingles at Pilipino at nagsantabi naman sa mga unang wika.
- Ikalawang Multilingguwalismo (Multilingguwalismo-b) - pinagtibay ang paggamit ng wikang Filipino at wikang Ingles at kinilala muli ang halaga ng mga unang wika bilang auxiliary na wika sa pagtuturo.
- Ikatlong Multilingguwalismo (Multilingguwalismo-c) - oral at tekstuwal na paggamit sa mga unang wika sa loob ng mas mahabang panahon ang iniutos ng kasalukuyan.
Aralin 3: Lingguwistikong Komunidad at Uri ng Wika
Lingguwistikong Komunidad
Natutunan ko na ang lingguwistikong komunidad ay nagbubuklod sa atin at mayroon itong kolektibong ugnayan. Nabubuklod ang mga tao ng wika, dahil dito, tayo'y magkakaintindihan. Homogenous ang wika.
Mga salik ng lingguwistikong komunidad:
- May kaisahan sa paggamit ng wika at naibabahagi ito sa iba
- Nakapagbabahagi at malay ang kasapi sa tuntunin ng wika at interpretasyon nito
- May kaisahan sa pagpapahalaga at palagay hinggil sa gamit ng wika
Multikultural na Komunidad
Natutunan ko na ang multikultural na komunidad ay may isang layunin; "pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba". Ang wika sa multikultural na komunidad ay naituturing heterogenous.
Sosyolek, Idyolek, Diyalekto, at Rehistro
Idyolek - ito ay ang espisipikong paraan ng pananalita ng isang tao. Isang halimbawa ay ang pananalita ni Kris Aquino.
Diyalekto - ang wika na ito ay pangunahing wika na bumubunga ng iba't ibang barayti, katulad ng Tagalog, na may ibang barayti kagaya ng Tagalog-Cavite at Tagalog-Batangas.
Aralin 4: Kasaysayan ng Wikang Pambansa at ang Filipino bilang Wikang Global
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Natutunan ko na ang tawag sa katutubong paraan ng pananalita noon sa Pilipinas ay Baybayin, binubuo ng 14 na katinig at 3 patinig. Ang Doctrina Christiana, na ang kauna-unahang aklat sa bansa, ay naisulat sa paraan ng baybayin.
Sa panahon ng kolonyalismong Espanyol, mula sa baybayin ay nalaganap ang paggamit ng Romano na alpabeto. Ang letrang R ay naidagdag sa mga katinig at naging lima ang patinig (A, E, I, O, U).
Sumapit ang panahon ng rebolusyon, doon nagtungo sa ibang bansa ang mga bayani kagaya ni Dr. Jose Rizal, Antonio Luna, Graciano Lopez-Jaena, at Marcelo H. del Pilar. Dito rin nailaganap ang Saligang Batas ng Biak na Bato.
Dumating ang panahon ng Komonwelt, kung saan kinilala ang wikang Ingles at Kastila bilang wikang opisyal.
Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang bansa ay sinakupan ng mga Hapon. Itinakda rin ang Order Militar Blg. 13 na nagsasabi na wikang opisyal ang Tagalog at Hapon.
At nang sumapit ang panahon ng Internet at pag-usbong ng globalisasyon, isinusulong ang multilingguwalismo sa pamamagitan ng Multilingual Language Education, kung saan ipinalaganap ang MTB-MLE.
Sa kasalukuyan, itinatag ang CHED Memo Oder 20, na nakasaad na tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo.
No comments:
Post a Comment