Tuesday, September 24, 2019

Yunit III: Wika, Wikang Filipino, at Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas

Aralin 1: Wikang Filipino at Mass Media


Mass Media


Ang pangmadlang media, o kadalasang tinatawag na mass media, ay itinuturing na pinakamakapangyarihang institusyon sa lipunan. Nasasakop nito halos lahat ng bansa natin. Maituturing kinakailangan talaga natin ang mass media sa ating buhay dahil ito ang paraan sa pagkukuha ng impormasyon, mga balita na nagaganap kahit saan ka pa. 

Ang mga pinakagamiting media sa Pilipinas ay ang sumusunod:



Samakatwid, natutunan ko ding ang Mass Media ay isa ring negosyo, sila'y kumikita sa pamamagitan ng advertising o patalastasan na likha ng mga advertising agency.

Radyo - Ang Media ng Masa


Natutunan namin na ang radyo ang tinaguriang media ng masa ng dahil sa dahilang ito ang pinakamurang kasangkapan na maaabot ng mamamayan kung ikumpara sa mga telebisyon o mga smartphones. Isa oang rason, ay madali lang itong i-operate, dahil gumagana lang ito sa baterya.

Panonood Bilang Pagbasa, Pagkatuto, at Pagkonsumo


Natutunan naming ang panonood ay naidagdag bilang ikalimang kasanayang pangwika.

Mga Uri ng Palabas


A. Tanghalan o Teatro


     Ang panonood ng pagtatanghal bilang palabas.

B. Pelikula


     Nanood tayo ng pelikula, gaya ng teatro. Ang nakakaiba lamang ay ang pelikula ay nairekord na gamit ang kamera at pinanood ito sa mga sine.

C. Telebisyon


     Ang telebisyon ay ang medium ng panonood ng mga telenobela at mga palabas.

D. YouTube


     Maaari na ring manood ng mga palabas sa isang app na tinatawag na YouTube. Ito ay dahil sa makabagong teknolohiya.

Media at Pambansang Wika


Natutunan din naming ang pagsasalita o paggamit ng wikang Filipino ay napakahalaga sa konteksto ng media dahil madali itong maintindihan ng karamihan ng mga tao sa bansa. 

Yunit II: Mga Gamit ng Wika sa Lipunan

Aralin 1: Bilang Instrumento


Wika Bilang Instrumento ng Iba't Ibang Layunin at Pagkakataon


Natutunan namin na ang lipunan ay isang malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang set ng pag-uugali, ideya, saloobin at namumuhay sa tiyak na teritoryo at itinuturing ang mga sarili bilang isang yunit. Ang wika ,pasalita man o pasulat, ang instrumentong ginagamit ng mga tao sa loob ng lipunang ito upang makipag-ugnayan sa isa't isa. May pitong tungkulin ng wika at ito ay ang Instrumental, Regulatoryo, Interaksiyonal, Personal, Heuristiko at Representatibo.

Ang Instrumental ay tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya nga pakikipag-ugnayan sa iba.Ang paggawa ng liham pangangalakal,liham sa patnugot, at pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto ay mga halimbawa ng tungkuling ito.

Wika ang Daluyan ng Saloobin at Pagkatao



Ang Wika ng Daluyan ng Saloobin at Pagkatao ay ang paggamit ng wika para magpahayag hindi lamang ng mensahe kundi ng ating saloobin. Magkadugtong ang damdamin at isip, na kung ano ang nais sabihin, iyon talaga ang damdamin, walang halong pagkukunwari. Si Prospero Covar ang nagsasabing magkakaugnay ang loob, labas, at lalim ng ating pagkatao.

Wika ng Panghihikayat at Pagganap


Ang Wika ng Panghihikayat at Pagganap ay napakamakapangyarihan ang wika para hikayatin ang mga tao na kumilos o gumanap at tupdin ang tungkulin. Ang pagsusuri sa mga patalastas ay ang pinakamabisang halimbawa kung paano nagagamit ang wika sa ganitong paraan.Ang bigkas-pagganap ay ang paggamit ng wika ng isang tao upang paganapin at direkta o di-direktang pakilusin ang kausap niya batay sa nilalaman ng mensahe. Nahahati ito sa tatlong kategorya ang bigkas-tungong-pagganap. Lokusyunaryo, Ilokusyunaryo at Perlokusyunaryo.
  • Ang Lokusyunaryo ay ang literal na kahulugan ng pahayag.
  • Ang Ilokusyunaryo naman ay ang kahulugan ng mensahe batay sa kontekstong pinagmumulan ng nakikinig at tumatanggap nito.
  • Ang Perlokusyunaryo ay ang ginagawa o nangyari matapos mapakinggan o matanggap ang mensahe.


Aralin 2: Regulatoryo


Ang Bisa ng Regulatoryong Komunikasyon sa Lipunan


Ang Regulatoryo ay ang pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao. Ang pagbibigay ng direksiyon gaya ng direksyon sa pagluluto ng ulam, direksiyon sa pagsagot sa pagsusulit, at marami pang iba. May tatlong klasipikasyon ng wika ayon sa regulatoryong bisa nito at ito ang Berbal, Nasusulat, nakalimbag, at biswal, at Di-nasusulat na tradisyon. 

Ang berbal ay ang tawag sa lahat ng kauutusan , batas, o tuntunin na binabanggit lamang nang pasalita ng pinuno o sinumang nasa kapangyarihan. 

Ang nasusulat, nakalimbag, at biswal ay ang lahat ng kautusan, batas, o tuntunin na mababasa, mapapanood, o makikita na ipinatutupad ng nasa kapangyarihan. 

At ang di-nasusulat na tradisyon naman ay ang mahabang tradisyon ng pasalin-saling bukambibig na kautusan, batas, o tuntuning sinusunod ng lahat.

Ilang Halimbawa ng Regulasyon o Batas


Ang mga halimbawa ng regulasyon o batas ay Saligang Batas o Konstitusyon, Batas ng Republika, Ordinansa, Polisiya, Patakaran at Regulasyon.


Ang Saligang Batas ay ang pundamental na batas ng bansa dahil lahat ng batas na lilikhain at yaong mga umiiral na ay nakabatay rito. Ang Batas ng Republika ay ang batas na inakda ng Kongreso. Ang ordinansa ay ang kautasan o batas na ipinatutupad sa mga probinsiya, siyudad, at munisipyo. Ang polisiya ay ang kautusan o desisyong ipinatutupad sa isang organisasyon, ahensiya, o kompanya. Ang patakaran at regulasyon ay ipinatutupad na kautusan o alituntunin sa paaral, kompanya, pribadong organisasyon, at iba pang samahan.


Aralin 3: Interaksiyonal


Interpersonal na Komunikasyon


Interaksiyonal ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa; pakikipagbiruan; pakukuwento ng malulungkot o masasayang pangyayari; paggawa ng liham- pangkaibigan; at iba pa. Ang interpersonal na komunikasyon ay ang pakikipag-usap sa isa o higit pang tao. Ang interpersonal na komunikasyon ay ang pagpapalitan ng impormasyon ng dalawa og higit pang mga tao. Bunga nito, umuunlad angating kakayahan at nadaragdagan an gating kaalaman at kahusayan sa pakikipagkomunikasyon.


Interaksiyon sa Cyberspace



Ang interaksiyon sa cyberspace ay kasalukuyang ginagamit upang ilarawan ang buong hanay ng mga mapagkukunan ng impormasyon na magagamit sa pamamagitan ng mga network computer. Isa sa pinakamagandang asosasyon nito ay ang internet o palitan ng impormasyon sa internet at iba pa na nagaganap sa pamamagitan ng mga network ng kompyuter.

Ang mga halimbawa ng interaksiyonal sa internet ay email at personal na mensahe kung pangdalawahan, group chat at forum naman kapag pang grupo, at sociosite at online store kung pangmaramihan.


Aralin 4: Personal


Personal bilang Pagkatao


Ang Personal naman ay mula sa salitang “personalidad”. Nabubuo ang personalidad ng isang tao habang siya’y nagkakaisip at nagiging bahagi ng isang lipunan. Ito ay ang pagpapahayag ng sariling pinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan. Kasama rin dito ang pagsusulat ng talaarawan at journal, at ang pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.

Mayroong apat na dimensiyon ang ating personalidad.
  • Panlabas laban sa Panloob (Extraversion vs. Introversion)
  • Pandama laban sa Sapantaha (Sensing vs. Intuition)
  • Pag-iisip laban sa Damdamin (Thinking vs. Feeling)
  • Paghuhusga laban sa Pag-unawa (Judging vs. Perceiving)
Ang Panlabas laban sa Panloob ay inilalarawan kung paano nagkakaroon ng enerhiya. Ang Pandama laban sa Sapantaha ay ang paglalarawan kung paano kumukuha ng impormasyon ang isang tao. Ang Pag-iisip laban sa Damdamin ay inilalarawan ang paraan na ginagamit ng isang tao sa pagdedesisyon. At ang Paghuhusga laban sa Pag-unawa naman ay inilarawan ang bilis ng pagbuo ng desisyon sa isang tao.


Malikhaing Sanaysay


Ang malikhaing sanaysay ay naglalaman ng sariling pananw ng may-akda at nasa puntodebista ng manunulat. Halimbawa ng malikhaing sanaysay ay Biograpiya. Ito ang talambuhay na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari, at impormasyon.


Bahagi ng Sanaysay


Ang sanaysay ay binubuo ng panimula, katawan at wakas. Ang panimula ay ang pinakamahalagang bahagi ng sanaysay dahil ito ang manghihikayat sa babasa. Sa katawan tinatalakay ang mga katanungan sa panimula at inilalatag ang mahahalagang ideya upang maipaliwanag ang paksa. Sa wakas naman mapapatunayan na malinaw ang mga konseptong tinalakay sa katawan ng sanaysay.


Aralin 5: Imahinatibo


Ang Wika Bilang Daluyan ng Imahinasyon


Ang imahinatibong wika ay ginagamit sa paglikha, pagtuklas, at pag-aliw. Imahinatibo ang tungkulin ng wika kapag ginagamit ito sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing pamamaraan.


Gamit ng Wika sa Imahinatibong Paraan


Ang ganitong tungkulin ng wika ay ginagamit sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula, noblea, maanyong sanaysay, at maikling katha. Ang mga kuwentong pantasya, mito, alamat, kuwentong-bayan, at siyensiyang piksiyon ay piksiyon at karaniwang nagtataglay ng mahika, nilalang na bunga ng imahinasyon tulad ng mga prinsipe at prinsesa, mga hayop na nagsasalita, at mga kagila-gilalas na pangyayari. Ang mga tauhan sa kuwento ay hindi totoo at imahinasyon lamang ng may-akda.


Ang Siyensiyang Piksiyon sa Wikang Filipino


Ang siyensiyang piksiyon ay ang panitikan ng tao na dumaranas ng pagbabago, maaring ito’y sa pamamagitan ng siyentipikong pagtuklas, pagbabago sa teknolohiya, o natural na pangyayari, maging pagbabago sa lipunan.

Aralin 6: Heuristiko at Representatibo


Heuristiko at Representatibong Tungkulin ng Wika


Ang Heuristiko ay ang pag-iimbestiga, pag-eeksperimento kung tama o mali. Natututo tayo sa ganitong proseso ng pagtuklas sa ating paligid at sa pagkuha ng luma at bagong kaalaman. Ito rin ay paraan ng pag-aaral o paglutas ng problema na kung saan ginagamitan ng (common sense). Hindi ito nangangailangan ng ebidensya dahil ito ay nakasalalay sa mga karanasan at malinaw na paggamit ng lohika. Ang representatibo naman ang tawag kung nais nating ipaliwanag ang datos, impormasyon, at kaalamang ating natutuhan o natuklasan at kung nais nating iulat ang mga ito sa publiko o kahit kanino. Ito ay paraan ng pagpapakita ng impormasyon na may layuning ipakita sa mas malinaw na paraan. Ito ay ginagamitan ng mga ebidensya tulad ng mga graphs, visual aids, posters at iba pang bagay na nakikita na nagpapatibay sa ideyang ipinapaiwanag.


Ang Apat na Yugto Tungo sa Maugnaying Pag-iisip


May apat na yugto tungo sa maugnaying pag-iisip. Isa na rito ang paggamit ng sintido-kumon. Ito ang pinakakaraniwang paraan ng pag-iisip at pangangatwiran. Isa rin dito ang Lohikal na pag-iisip at ito’y binubuo ng tatlong uri.
  • Lohika ayon sa pangangatwiran o argumento
  • Lohika ayon sa pagkakasunod-sunod
  • Lohika ayon sa analisis.
Ang Lohika ayon sa pangangatwiran ay ang lohika na umiikot sa ugnayan ng mga pahayag at kongklusyon. Argumento ang tawag kapag napapatunayan ang bisa ng kongklusyon ayon sa detalye, ebidensiya, at pangangatwirang nakasaad sa pahayag. Ang Lohika ayon sa pagkakasunod-sunod naman ay ang pagtutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o proseso. Kadalasang nasa estruktura, daloy, o banghay ang lohika ng pagkakasunod-sunod. At ang Lohika ayon sa analisis ay may dalawang anyo. Ito ang Hinuhang pangkalahatan at pambatayan. Ang hinuhang pangkalahatan ay nagsisimula sa isang mahalagang ideya o tesis na kailangang patunayan sa pamamagitan ng pangangatwiran, ebidensiya, halimbawa, obserbasyon, o pananaliksik. Ang hinuhang pambatayan naman ay ang kabaligtaran ng hinuhang pangkalahatan. Isinasaad muna ang mga batayan bago makapaghain ng kongklusyon o pangkalahatang ideya.

Ang ikatlong yugto ay ang Kritikal na pag-iisip. Ito ay mataas na antas ng pag-iisip na umiikot sa tatlong hakbang. Una, ang masusing pagtukoy sa kaligiran ng suliranin, Ang pagsusuri, pag-uuri at pagpuna, at paglalatag ng alternatibo.

Ang panghuling yugto ay ang Maugnaying pag-iisip. Ang pinakamataas na antas ng pag-iisip. Dito binabalanse ang iba’t ibang pananaw at ideya mula sa maraming larangan, karanasan, at pagninilay-nilay.


Pag-uulat-biswal


Natutunan din naming ang PowerPoint presentation ay isa pa palang 
paraan ng paglalahad ng impormasyon. Maaring pagsamahin dito ang teksto, disenyo, grap, tsart, animation, tunog, o video na sumasaklaw sa kabuuan at mga bahagi ng impormasyon o kaalamang nais ilahad at ipahayag sa kausap o sa publiko. Ang PowerPoint ay isa sa mga application ng Microsoft Office. Ginagamit ito upang maging organisado at presentable ang mga impormasyong ilalahad sa kausap o tagapakinig.


Mga Pananda para sa Kohesyong Gramatikal


Natutunan naming ang mga pananda para sa kohesyong gramatikal. Ito ay ginagamit upag hindi paulit-ulit ang mga salita at maging maayos ang daloy nito. Ang anapora ay panghalip na gingamit sa pangungusap o talata upang tukuyin ang naunang nabanggit na pangalan o paksa. Ang katapora ay panghalip na unang ginagamit sa pangungusap o talata bago banggitin ang pangalan o paksang tinutukoy. Mainam na gumamit ng pangatnig upang maging suwabe, madulas, at magkakaugnay ang mga ideya o pahayag sa pangungusap. Sa pagbuo ng talata at sa kabuuan ng diskursong tinatalakay sa iyong papel na susulatin o pahayag na bibigkasin, may mga panandang salita na makatutulong upang bigyang-diin, linawin, at pukawin ang atensiyon ng mambabasa o tagapakinig.

Monday, September 23, 2019

Yunit I: Mga Konseptong Pangwika

Aralin 1: Wika, Komunikasyon, at Wikang Pambansa


Wika


Sa unang aralin, natutunan ko ang depinisyon ng wika, na ito ang nagbubuklod sa ating mga tao.

Ang daluyan ng pagpapakahulugan ay: tunog, simbolo, kodipikadong pagsusulat, galaw, at kilos. Ang ilang mga gamit ng wika naman ay: gamit sa talastasan, lumilinang ng pagkatuto, lalagyan o imbakan, at iba pa.

Kategorya ng Wika 

  1. Ang Pormal kung saan higit itong ginagamit ng nakararami. Ang dalawang antas nito ay opisyal na wikang pambansa at panturo at wikang pampanitikan. 
  2. Ang ikalawang uri nito ay ang Di-pormal na ginagamit sa pang-araw-araw na talastasan. May tatlo itong antas. 
  • Una, ang wikang panlalawigan na kinilala rin bilang diyalektal. Ang wikang ito ay ginagamit sa iba't ibang lugar. Isang halimbawa nito ay balay (bahay). 
  • Ikalawa, ang balbal na katumbas sa slang sa Ingles. Halimbawa nito ay ang salitang sikyu, na ang kahulugan ay guwardiya. 
  • Ang huli, ay ang kolokyal. Ito ang mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Halimbawa, musta.


Komunikasyon


Isang mahalagang paksa na natutunan ko rin ay ang depinisyon ng komunikasyon. Ang komunikasyon ay ang paraan ng paghahatid at pagtanggap ng impormasyon. Mayroon itong tatlong antas.
  1. Intrapersonal, nangangahulugang komunikasyon na nakatuon sa sarili. Isang magandang halimbawa nito ay ang pagdadasal at meditasyon.
  2. Interpersonal, na kung saan ang komunikasyon ay namamagitan sa dalawa o higit pang tao.
  3. Organisasyonal, na nagaganap sa loob ng isang organisasyon.


Modelo ng Komunikasyon

Ang pangkaraniwang modelo ng komunikasyon ay nagsisimula sa tagapagpadalaAng mensahe ay dumadaan sa isang tsanel at tinatanggap ng tagatanggap, na siyang nagbibigay puna, tugon, o reaksiyon. Minsan, ang mensahe ay hindi matatanggap ng tagatanggap dahil sa tinatawag nating ingay na siyang nagsisilbing hadlang sa daloy ng komunikasyon.


Uri ng Komunikasyon


Ang tatlong uri ng komunikasyon ay:

1. Komunikasyong pabigkas na kung saan binibigkas lamang ng pasalita ang nais ipahayag ng tagapagpadala.


2. Komunikasyong pasulat
na nakabatay sa alpabeto at estruktura ng wika. Isang halimbawa ng komunikasyong pasulat ay ang pagsusulat ng liham sa nais ipahatid na mensahe.


3.  Pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng kompyuter
na umusbong dahil sa paglaganap ng makabagong teknolohiya.



Aralin 2: Unang Wika, Bilingguwalismo, at Multilingguwalismo sa Kontekstong Pilipino



Ang mga wika at yugto ng wika:
  • Wikang Ingles - wikang dinala ng mga mananakop na Amerikano.
  • Unang Yugto ng Wikang Tagalog (Tagalog-1) - pinangangalanang wikang pambansa.
  • Ikalawang Yugto ng Wikang Tagalog (Tagalog-2) - ginawang isang pang-akademikong asignatura.
  • Unang Yugto ng Wikang Pilipino (Pilipino-1) - ang pangalang "Tagalog" ay pinalitan ng pangalang "Pilipino".
  • Ikalawang Yugto ng Wikang Pilipino (Pilipino-2) - tinanggalan ng katayuan bilang wikang pambansa.
  • Ang Unang Wikang Filipino (Filipino-1) - papalit sa wikang Pilipino bilang wikang pambansa.
  • Ang Ikalawang Wikang Filipino (Filipino-2) - pinangalang "Filipino" ng konstitusyon.
Mga programang pangwika:
  • Monolingguwalismong Ingles (Monolingguwalismo) - ang sistema ng monolingguwalismong Ingles ang kanilang ipinataw.
  • Unang Bilingguwalismo (Bilingguwalismo-a) - maaring gamitin ang mga unang wika bilang auxiliary na wikang panturo.
  • Ikalawang Bilingguwalismo (Bilingguwalismo-b) - wikang Pilipino na lamang ang gagamiting midyum sa pagtuturo sa lahat ng antas pang-akademiko.
  • Unang Multilingguwalismo (Multilingguwalismo-a) - gamitin ang mga unang wika bilang midyum ng pagtuturo hanggang sa ikalawang baitang na susundan naman sa paggamit ng mga wikang Pilipino at Ingles
  • Ikatlong Bilingguwalismo (Bilingguwalismo-c) - gamitin ang mga wikang Ingles at Pilipino at nagsantabi naman sa mga unang wika.
  • Ikalawang Multilingguwalismo (Multilingguwalismo-b) - pinagtibay ang paggamit ng wikang Filipino at wikang Ingles at kinilala muli ang halaga ng mga unang wika bilang auxiliary na wika sa pagtuturo.
  • Ikatlong Multilingguwalismo (Multilingguwalismo-c) - oral at tekstuwal na paggamit sa mga unang wika sa loob ng mas mahabang panahon ang iniutos ng kasalukuyan.


Aralin 3: Lingguwistikong Komunidad at Uri ng Wika


Lingguwistikong Komunidad


Natutunan ko na ang lingguwistikong komunidad ay nagbubuklod sa atin at mayroon itong kolektibong ugnayan. Nabubuklod ang mga tao ng wika, dahil dito, tayo'y magkakaintindihan. Homogenous ang wika.

Mga salik ng lingguwistikong komunidad:
  1. May kaisahan sa paggamit ng wika at naibabahagi ito sa iba
  2. Nakapagbabahagi at malay ang kasapi sa tuntunin ng wika at interpretasyon nito
  3. May kaisahan sa pagpapahalaga at palagay hinggil sa gamit ng wika

Multikultural na Komunidad


Natutunan ko na ang multikultural na komunidad ay may isang layunin; "pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba". Ang wika sa multikultural na komunidad ay naituturing heterogenous.

Sosyolek, Idyolek, Diyalekto, at Rehistro



Sosyolek - ang wika na sosyolek ay ginagamit ng isang pangkat. Isang halimbawa nito ay ang jejemon.



Idyolek - ito ay ang espisipikong paraan ng pananalita ng isang tao. Isang halimbawa ay ang pananalita ni Kris Aquino.



Diyalekto - ang wika na ito ay pangunahing wika na bumubunga ng iba't ibang barayti, katulad ng Tagalog, na may ibang barayti kagaya ng Tagalog-Cavite at Tagalog-Batangas.



Rehistro - ito ang katumbas na jargon sa Ingles, ito ang wika na ginagamit sa iba't ibang larangan.



Aralin 4: Kasaysayan ng Wikang Pambansa at ang Filipino bilang Wikang Global


Kasaysayan ng Wikang Pambansa



Natutunan ko na ang tawag sa katutubong paraan ng pananalita noon sa Pilipinas ay Baybayin, binubuo ng 14 na katinig at 3 patinig. Ang Doctrina Christiana, na ang kauna-unahang aklat sa bansa, ay naisulat sa paraan ng baybayin.

Sa panahon ng kolonyalismong Espanyol, mula sa baybayin ay nalaganap ang paggamit ng Romano na alpabeto. Ang letrang R ay naidagdag sa mga katinig at naging lima ang patinig (A, E, I, O, U).

Sumapit ang panahon ng rebolusyon, doon nagtungo sa ibang bansa ang mga bayani kagaya ni Dr. Jose Rizal, Antonio Luna, Graciano Lopez-Jaena, at Marcelo H. del Pilar. Dito rin nailaganap ang Saligang Batas ng Biak na Bato.

Dumating ang panahon ng Komonwelt, kung saan kinilala ang wikang Ingles at Kastila bilang wikang opisyal. 

Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang bansa ay sinakupan ng mga Hapon. Itinakda rin ang Order Militar Blg. 13 na nagsasabi na wikang opisyal ang Tagalog at Hapon.


At nang sumapit ang panahon ng Internet at pag-usbong ng globalisasyon, isinusulong ang multilingguwalismo sa pamamagitan ng Multilingual Language Education, kung saan ipinalaganap ang MTB-MLE.

Sa kasalukuyan, itinatag ang CHED Memo Oder 20, na nakasaad na tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo.